TFC.tv unravels ‘Pasion De Amor: Director’s Cut Marathon’ starting June 22

posted in: News | 0
Extended version ng worldwide telenovela sensation, inaasahang ipagpapatuloy ang pamamayagpag sa PH ratings game

June 19, 2015 (QUEZON CITY, PHILIPPINES) – Mas magiging kapanapanabik pa ang panonood ng mga Kapamilya worldwide sa remake ng telenovela sensation na “Pasion De Amor” dahil ekslusibong handog ng official online service ng The Filipino Channel (TFC), TFC.tv ang “Pasion De Amor: Director’s Cut Marathon” simula Lunes, June 22 (Manila time).

Ihahatid ng TFC.tv ang exclusive full-viewing experience sa worldwide viewers dahil sa mga dagdag at extended na mga eksena ng telenovela adaptation. Matapos itong umere noong June 1, nakakuha ang programa ng pinakamataas na Philippine TV rating na 20.7% laban sa mga programa ng ibang networks na kasabay nito, ayon sa Kantar Media Philippines (television audience measurement provider). Kasama rin ang teleserye sa isa sa pinaka-pinapanood na programa sa TFC.tv.

pasion-de-amor-bigSimula sa susunod na Linggo, maaari nang balikan ng Filipino viewers saan man sa mundo (maliban sa Mexico at TFC mobile services) ang kuwento ng Samonte brothers na sina Juan (Jake Cuenca), Oscar (Ejay Falco), at Franco (Joseph Marco) at kung paano sila nagplanong gantihan si Gabriela Elizondo (Teresa Loyzaga) pati ang mga anak nitong sina Norma (Arci Muñoz), Sari (Ellen Adarna), at Jamie (Coleen Garcia) matapos ang brutal na pagpatay sa kanilang bunsong kapatid na si Olivia (Ingrid dela Paz). Aakitin ng Samonte brothers ang magkakapatid na Elizondoupang mahulog ang damdamin ng mga dalaga sa magkakakapatid.

Huwag palalampasin ang mapangahas na pagsasabuhay sa worldwide telenovela sensation, “Pasion De Amor: Director’s Cut Marathon” simula Lunes, June 22 (Manila time) sa official online service ng TFC, ang TFC.tv.

Share this with friendsShare on Google+Tweet about this on TwitterShare on FacebookPin on PinterestEmail this to someone

Leave a Reply